Clinical trial sa susunod na linggo para sa Avigan, kasado na!

55

Kinumpirma ni Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire na kasado na ang pagsisimula sa susunod na linggo ng anti-viral drug na Avigan na mula sa Japan.

Ayon kay Vergeire, “insurance” na lamang ang kulang para pormal nang masimulan ang Avigan clinical trial.

Aniya, sa ngayon ay may go signal na para makapag-umpisa ang pagre-recruit ng participants sa trial.

Una nang kinumpirma ni Vergeire na nalagdaan na ang Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa Avigan clinical trial at ang pagsasaayos na lamang sa database ang hinihintay.

Facebook Comments