Clinical trials para sa anti-flu drug na Avigan, uumpisahan na ngayong linggo – DOH

80

Sisimulan na ngayong linggo ang clinical trials para sa anti-flu drug na Avigan matapos ang isang buwang pagkakaantala.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakumpleto na ang clinical trial requirement at ang Memorandum of Agreement.

Aniya, may inaayos na lamang database para sa electronic data capturing.

Isasagawa ang Avigan trials sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Sta. Ana Hospital, Quirino Memorial Medical Center at Philippine General Hospital.

Nasa 100 COVID-19 patients ang isasalang sa trial.

Aabot sa 18 milyong piso ang inilaan ng DOH para sa naturang trial.

Facebook Comments