Close-in security team ng Pangulo, pwedeng mag-apply sa special permit ng FDA para sa paggamit ng COVID-19

93

Pinayuhan ng Malacañang ang close-in security team ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-apply para sa special permit para sa paggamit ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagkuha ng permit mula sa Food and Drug Administration (FDA) ay makatutulong sa pagsasagawa ng pagpapabakuna sa iba pang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).


Una nang sinabi ni FDA Director General Eric Domingo, maaaring mag-isyu ang ahensya ng compassionate permits para sa paggamit ng COVID-19 vaccine habang walang emergency use authorization.

Ang special permits ay ibibigay lamang sa mga maliliit na grupo gaya ng PSG.

Facebook Comments