Closed van na nasunog sa NLEX, fire out na

41

Manila, Philippines – Fire out na at naitabi na sa emergency lane ang aluminum close van, na nasunog sa bahagi ng Shell of Asia station bahagi ng Mexico Pampampanga, South Bound Lane North Luzon Expressway.

Habang ang dalawa pang sasakyan nadamay at nagbanggaan ay naitabi na rin.

Ayon sa traffic management ng NLEX, may sugatan sa insidente, pero hindi matukoy kung ilan.

Ayon sa management ng NLEX, iimbistigahan pa ang insidente habang ang kanilang mga tauhan ay naroon na sa lugar upang magmando sa daloy ng trapiko.

Facebook Comments