Co-accused ni CGMA sa PCSO plunder case – inabswel to ng Sandiganbayan 1st division

34

Manila, Philippines – Inabswelto ng Sandiganbayan sa kasong plunder si
dating PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office board member Ma. Fatima
Valdez.

Si Valdez ay isa sa kapwa akusado ni dating Pangulo at ngayo’y House Deputy
Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa umano’y maanomalyang paggamit ng
P366-million confidential intelligence funds ng PCSO.

Batay sa inilabas na resolusyon ng anti-graft court 1st division –
pinaboran nito ang inihaing demurrer of evidence ni Valdez na nagsasabing
walang sapat na ebidensya para idiin siya sa kaso.

Una nang ipinawalang-sala ng Korte Suprema sa kasong plunder si ginang
Arroyo may kaugnayan sa anomalya sa PCSO.

Nation”

Facebook Comments