Co-couple, sangkot umano sa overpriced medical equipment

60

Pinakukumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang miyembro ng Gabinete ang tungkol sa Co-couple na sinasabing nag-aalok ng overpriced medical supplies sa pamahalaan sa harap ng coronavirus pandemic.

Sa televised address, tugon ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi niya alam ang tungkol sa dalawang personalidad.


Sinabi naman ni Budget Undersecretary Lloyd Lao na ang Co couple ay may-ari ng Omnibus Biomedical Systems Inc., ang exclusive distributor ng Sansure sa Pilipinas, na siyang nag-aalok ng extraction machines na nagkakahalaga ng ₱4.3 million.

Dagdag pa ni Lao, sinabihan niya ang Sansure officials na hindi bibili ang pamahalaan ng kanilang mga produkto sa pamamagitan ng Omnibus dahil sa sobrang mahal na presyo.

Para kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dapat maimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ito dahil sa profiteering, hoarding, at tangkang pamba-blackmail sa gobyerno.

Facebook Comments