COA report, makakatulong sa imbestigasyon ng Ombudsman laban kay dating Tourism Sec. Wanda Teo

22

Manila, Philippines – Naniniwala si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na makakatulong sa kanilang imbestigasyon ang Commission on Audit o COA report laban kay dating Torism Wanda Teo.

Ayon kay Morales, malaki ang maitutulong ng COA report sa kanilang imbestigasyon hinggil sa mga kwestiyonableng transakyon ng DOT noong si Teo pa ang kalihim.

Nilinaw naman ni Morales na kahit na ibalik ni Teo ang ibinayad na 60 million pesos TV ad deal sa PTV ay hindi mangangahulugang ligtas na ito sa kaso.

Batay sa COA, maaaring “liable of graft” si Teo dahil sa ad placements ng DOT noon sa Bitag Media na pag-aari ni Ben Tulfo, lalo at makikitang may conflict of interest.

Facebook Comments