Coach Chot Reyes, tutukan ang pagpapalakas sa depensa ng Gilas Pilipinas sa kanilang training

41

Manila, Philippines – Target ngayon ni coach Chot Reyes na palakasin pa ang depensa ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa nalalapit na SEABA championship sa may 12-18 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Dahil dito, balak ni coach Chot na magkaroon ng dalawang training session kung saan ngayon araw ay inaasahang makakasama na nila ang naturalized Filipino citizen na si Andray Blatche.

Aminado naman ang ilang players tulad nina Terence Romeo at Calvin Abueva na marami pang dapat gawin partikular sa paglalaro nila sa loob ng court.

Sampung araw na lang meron ang national team para mag-practice at sisikapin din nilang manalo sa bawat laro para magkaroon ng tsansa sa 2017 FIBA Asia Cup.

DZXL558

Facebook Comments