Coach Freddie Roach, dumating na sa bansa para tutukan ang training ni Manny Pacquiao

Manila, Philippines – Dumating na sa bansa si Coach Freddie Roach para sa mas pinatinding training ni Manny Pacquiao para sa laban nito kontra sa Australian boxer na si Jeff Horn.

Pero bago nito, nakatapos muna ng 12 rounds ng sparring session si Pacman.

Ayon kay Roach, kailangan pa ding maghanda ni Pacquiao para sa kanyang laban sa July 2 sa pamamagitan ng kanyang bilis, footwork at boxing ability.


Aniya, delikadong kalaban si Horn dahil marunong itong sumuntok at na-knock out niya ang kanyang dalawang huling nakalaban.

Sinabi naman ni Buboy Fernandez, Assistant Trainer ni Pacquiao, na kailangan ng pambansang kamao na magsikap at hindi nito dapat minamaliit ang kalaban.
DZXL558

Facebook Comments