Coach Guiao, iminumungkahi na makasali ang Gilas sa 2019 Jones Cup

107

Iminumungkahi ngayon ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na makasali ang Philippine National Team sa 2019 William Jones Cup na gaganapin sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15, sa Taiwan.

Ito ang pinakamainam at magsisilbing warm-up grounds nila dahil inaasahan na nila na mahihirap na laro sa prestihiyosong 2019 FIBA World Cup sa China.

Sinabi rin ni coach Guiao na kinonsulta na rin niya si Philippine Basketball Association Commissioner Willie Marcial tungkol sa nasabing ideya.

Kung maaalala, nasungkit ng Pilipinas ang ika-apat na pwesto sa 2018 Jones Cup na ang University Athletic Association of the Philippines o UAAP Champion Ateneo de Manila University ang naging pambato ng bansa.

Facebook Comments