Coach Guiao, kumpiyansang magiging 100% condition si Andray Blatche

24

Kumpiyansa si coach Yeng Guiao na magiging 100 percent condition si naturalized player Andray Blatche sa oras na makabalik muli ito sa national team.

Nabatid kasi na sampung araw lang nakapag-practice si Blatche sa Team Pilipinas at kahapon ay muli itong bumalik sa China para maglaro sa kaniyang mother team.

Inaasahan ni Guiao na hindi magpapabaya si Andray para maging physically fit sa paglalaro nito ng basketball kung saan makakasama muli siya ng national squad sa February 16 sa pagpunta nila sa Doha.

Unang makakalaban ng Team Pilipinas ang basketball team ng Qatar sa February 21, na susundan ng Kazakhstan sa February 24.

Facebook Comments