Coach Louie Alas, nakahanda sakaling may kumuha sa kaniya para maging headcoach ng basketball team 

38
COURTESY: TRENDINGPH.NET

Inihayag ngayon ni Coach Louie Alas na may mga nakahanda siyang programa sakaling may kumuha muli sa kaniya bilang headcoach ng basketball team. 

Ayon kay Coach Louie, wala pa naman siyang plano kung saan team siya pupunta dahil sa wala pa naman siyang ina-aplayan na kahit anong trabaho pero palagi naman siyang handa kung may mag-aalok ng coaching job sa kaniya. 

Sinabi pa ni Alas na kahit anong team sa PBA o kaya sa semi-professional at maging sa collegiate level ay kaniyang tatanggapin kung saan ang nakalatag niyang mga programa ay para ma-improve pa ang isang koponan. 

Matatandaang biglaan ang pagkakatanggal kay Alas bilang Head Coach ng Phoenix Fuel Masters noong September 11, 2020 na tatlong taon niyang hinawakan. 

Facebook Comments