COASTAL CLEAN-UP, MULING ISINAGAWA SA ALAMINOS; BAGONG ATRAKSYON SA LUCAP PARK, ‘READY’ NANG PASYALAN

48

Muling nagsagawa ng coastal clean-up ang pamahalaang lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng City Tourism Office sa Barangay Bued kahapon.

Layunin nito na mas lalong luminis ang mga coastal area nang mapangalagaan ang kalikasan.


Kabilang sa mga nakibahagi dito ang PNP-Maritime, mga mamamayan ng naturang barangay at mga kawani rito.

Muli namang naghikayat ang LGU na pangalagaan ng mga taga-rito ang kalikasan sa pamamagitan nang maayos na pagtatapon ng mga basura.

Samantala, bagong atraksyon ngayon ang matatagpuan sa Lucap Park. Ito ay ang Lucap Esplanade na isa sa mga proyektong pang-turismo ng ng city government.

Makikita sa Lucap Esplanade ang kinatatayuan ng Lucap Fitness Center, Garden Trellis, mini playground at Sea Wall and Dock kung saan pwedeng mamasyal, mag-ehersisyo at mag-relax ang bawat Alaminian sa siyudad.



Facebook Comments