Pinangunahan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at isang environmental group ang coastal clean up drive sa San Agustin, San Fernando City, La Union matapos ang ilang araw na bakasyon.
Layunin ng aktibidad na malinisan ang dalampasigan dahil sa mga basurang naipon sa lugar na maaring mapunta sa dagat at tangayin ng agos sa ibang lugar.
Ginawa ang aktibidad na tinawag na trash hunting sa halip na egg hunt kasunod ng Easter Sunday.
Pakiusap ng mga environmental rangers ang pagsunod sa kaakibat na responsibilidad ng pagtatapon ng basura tuwing bibisita sa mga tanawin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments