Coastal Town na Dinapigue, Isabela, Naikategorya sa Local Transmission

19

Cauayan City, Isabela-Ikinategorya sa ‘local transmission’ ng Department of Health ang isang coastal town ng Isabela na Dinapigue matapos maitala ang dumaraming kaso ng COVID-19 batay sa inilabas na datos.

Base sa cases summary as of June 13, nakapagtala ang naturang bayan ng 52 cases linked at inaasahang sa June 25 ang containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi pagdagdag ng kaso ng mga tinatamaan ng virus.


Naitala naman ang pinakahuling kaso ng tinamaan ng sakit noong May 27,2021.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 48,478 ang total confirmed cases sa buong rehiyon dos habang 43, 110 ang nakarekober mula sa sakit at 4,071 ang nananatiling aktibo sa kasalukuyan.

Kaugnay nito, isa ng ‘inactive’ ang status ng COVID-19 sa lugar.

Facebook Comments