COC FILING | Comelec, aminadong hindi maaring pigilan ang muling paghahain ng COC ng ilang nuisance candidate

61

Manila, Philippines – Aminado ang Commission on Election (Comelec) na hindi nila maaaring pigilan ang mga naideklara nang nuisance candidate na muling maghain ng Certificate of Candidacy o COC.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, wala namang katiyakan na ang mga nuisance candidate noon ay hindi magiging seryosong kandidato ngayon.

Habang ang mga dating seryoso ay maging nuisance candidate ngayon.

Aniya, hindi biro ang pagharap sa publiko para magdeklarang tatakbo dahil tiyak na minsang naisip ng mga kandidatong ito na makibahagi sa proseso.

Sabi ni Jimenez, ito ang dahilan kaya dapat ibigay sa bawat kandidato ang nararapat na pagkilala sa kanila.

Facebook Comments