Coco martin at Yassi Pressman, nagkakamabutihan na nga ba?

Spotted ang Actor-Director na si Coco Martin at Actress-Model na si Yassi Pressman habang namamasyal sa Asakusa Temple, sa Tokyo, Japan, nitong Holy Week.

 

Sa mga litratong ibinahagi ng aktor sa kanyang social media – napansin ng mga netizen na todo alaga si Coco kay Yassi habang inaayos ang mga dalang gamit ng aktres.

 

Sa isang video makikita na nakaakbay ang aktor sa balikat ng aktres habang nakapapa-picture sa temple.


 

Kaya naman, maraming netizen at tagahanda ng dalawa ang hindi napigilang kiligin tapos makitang ang mga post ng primetime actor.

 

Una nang umingay ang haka-haka na mayroong malalim na pagtitinginan ang dalawa.

 

Facebook Comments