Coleen Garcia, inaming nasa adjustment period pa rin sa pagiging mommy

64

Inamin ng aktres na si Coleen Garcia na nasa adjustment period pa rin siya ng kanyang mommy duties sa kanyang baby boy na si Amari.

Wala pa rin daw buong tulog ang aktres mula nang siya ay manganak at hanggang ngayon ay pinag-aaralan niya pa rin ang breastfeeding.


Aniya, pati ang kanyang diet routine ay nagbago rin.

“Nung una talaga, nanibago ako because of the diet also na every two hours, kailangan talaga kumakain. Kasi breastmilk stays the same, nutritious talaga no matter what. Pero kapag kulang, kinukuha talaga from my nutrition. So ako ‘yung parang nanghihina, ako ‘yung nakukulangan sa nutrition. I always have to be eating and everything. Totoo ‘yung sinasabi din nila na your body is no longer yours” ani Coleen.

Bagama’t bago sa kanya ang pagiging isang mommy, titiyaking niyang maibibigay niya lahat ng pangangailangan ni baby Amari.

Sinusulit din niya ang kanilang mother and son bonding habang hindi pa siya nagbabalik trabaho.




Facebook Comments