COLORUM | Ilang van sa Maynila, natiketan ng I-ACT

24

Manila, Philippines – Ilang colorum na van ang natiketan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa Paco, Maynila.

Ayon sa mga tauhan ng I-ACT, nagkataon lang na dumadaan sila sa kahabaan ng San Marcelino nang mapansin ang sunud-sunod na van na tinted ang salamin at may antenna.

Binuntutan nila ito at nang makarating sa harap ng headquarters ng Manila Police District (MPD) sa United Nations Avenue at isa-isa nila itong pinara.

Inamin naman ng mga driver ng van na colorum sila na may rutang Tayuman, Sta. Cruz patungong Buendia.

Isa pa sa mga nasitang driver ng van, napag-alamang retiradong pulis.

Agad namang dinala sa impounding area sa Marikina ang mga sasakyan.

Facebook Comments