Columbian Dyip, tinalo ang San Miguel Beermen sa PBA Philippine Cup

Manila, Philippines – Hindi nakaporma ang San Miguel Beermen kontra Columbian Dyip sa kanilang naging laban kagabi sa PBA Philippine Cup.

Tinalo ng Columbian ang Beermen sa score na 124-118 kung saan bumida sa panalo ng Dyip ang kanilang rooklie na si CJ Perez na nakapagtala ng 26-points.

Wala naman nagawa ang bagong hugot ng San Miguel na si Terence Romeo na nakakuha lamang ng 7-points sa unang game nito bilang Beermen dahil nagtamo ito ng injury pagsapit ng third quarter.


Samantala, kumamada ng 20-points si PBA Veteran James Yap para pangunahan ang Rian or Shine Elasto Painters sa panalo nla kontra NLEX Road Warriors sa score na 96-87.

Facebook Comments