
Cauayan City – Bagong gamit sa pagsasaka ang ipinasakamay sa mga magsasaka sa bayan ng Tumauini, Isabela.
Ang bagong makinarya ay isang Combine Harvester ay mula sa DA-Philmec na ibinagay sa mga magsasaka ng Lalauan, Sto. Niño Irrigators Association sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Naging posible ang pagbibigay ng makinarya sa mga benepisyaryo dahil sa pakikiisa ng Department of Agriculture Regional Office 2 katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Tumauini.
Malaking tulong ang Agricultural Machinery na ito dahil bukod sa mapapadali ang kanilang pagsasaka, makakatulong rin ito upang mas tumaas ang kita ng mga magsasaka.
Facebook Comments