
Nagsagawa ng pinagsamang air patrol ang Philippine Air Force (PAF) at United States Pacific Air Forces sa West Philippine Sea kahapon April 29, 2025.
Bahagi ito ng ika-9 na Multilateral Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at US PACAF.
Tatlong FA-50 jet mula sa PAF ang ginamit sa operasyon, habang nag-deploy naman ang Estados Unidos ng isang B-1B Bomber at tig-isang F-16 at F-18 fighter jets.
Layon nitong palakasin ang ugnayan at mapahusay ang interoperability ng puwersa ng Pilipinas at Amerika.
Sa pamamagitan nito, pinatutunayan ng PAF ang kanilang dedikasyon at kahandaang tumugon upang suportahan ang misyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pangalagaan ang teritoryo at karapatang pangkaragatan ng bansa, gayundin ang pagtataguyod ng kapayapaan at katatagan sa Indo Pacific region.