Comedy Queen Ai-Ai Delas Alas, determinado pa rin na magka-baby!

123
Photo Courtesy: Nice Print Photo

Hindi pa rin daw nawawalan ng pag-asa ang Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas na magkaanak sila ng asawang si Gerald Sibayan.

Ito ay kahit pa 56-years old na siya at mahihirapan na sakaling muling mabuntis.


Say ni Ai-Ai, may plano pa rin sila ng asawang si Gerald na magkaanak kaya naman tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagwo-workout upang mapalakas ang kanyang mga muscle.

Sa katunayan, aktibo sa pagpu-post ang actress-host sa kanyang Instragram para ipakita ang pagiging aktibo niya sa pag-eehersisyo.

Kung papayagan daw ng doktor, posibleng sa taong 2022 nila planong magka-baby.

Nabatid na halos 30 taon ang age gap nina Ai-Ai at Gerald.




May tatlong anak na ang aktres mula sa kanyang mga dating nakarelasyon.

Facebook Comments