Comelec ang dapat na sisihin sa mga nagsusulputang mga Partylist

Naniniwala si Buhay Partylist Representative Lito Atienza na walang dapat na sisihin sa mga nagsusulputang ibat ibang klaseng Partylist sa bansa.

 

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Buhay Partylist Atienza na  maari naman na kahit anong samahan ay pwedeng magtatag ng mga Partylist  basta’t mayroong lamang adbokasiya na ipinaglalaban.

 

Ayon pa kay Atienza ang mayroong kasalanan sa mga dumaraming Partylist  ay ang Comelec dahil hindi nila sinasala ng mabuti ang mga pumapasok sa Partylist na dapat mayroong advocacy.


 

Paliwanag ni Atienza kahit sino ay maaaring magtatag ng Partylist bastat mayroong lamang ipinaglalaban o adbokasiya na pakikinabangan ng taongbayan.

Facebook Comments