COMELEC, bubuo ng campaign committee bilang paghahanda sa 2022 elections

81

Bubuo ang Commission on Election (COMELEC) ng campaign committee’s para sa 2022 election.

 

Ayon kay COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez, ang campaign committees ay itatatag sa national, regional at local levels.

 

Layon aniya ng mga komiteng ito na matiyak na nakasusunod sa health at safety protocols at iba pang panuntunan ang pangangampanya ng mga kandidato sa 2022 election.


 

Sabi pa ni Jimenez, kailangang humingi rin permiso mula sa campaign committees ang mga kandidato bago ito magsagawa ng physical na pangangampanya.

Facebook Comments