
Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi kasama sa pinagsusumite ng courtesy resignation si Chairman George Erwin Garcia.
Sabi ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, hindi bahagi si Garcia ng gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni Laudiangco na hiwalay at malayang ahensiya ang poll body na direktang naglilingkod sa taumbayan at hindi sa ibang sangay ng gobyerno.
Itinalaga ni Pangulong Marcos si Garcia bilang Comelec Chairman noong 2022 at magtatapos ang kaniyang termino sa Pebrero 2029.
Facebook Comments