COMELEC DAGUPAN, WALA PANG NAITATALANG INSIDENTE NG VOTE BUYING

Ilang linggo bago sumapit ang halalan, wala pa umanong naitatalang vote buying incident sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa COMELEC Dagupan City, mas hinigpitan umano nila ang kampanya kontra vote buying sa lungsod katuwang na ang PPCRV, NAMFREL, at LENTE.

Sa Isang panayam sinabi ni Atty. Michael Franks Sarmiento,magiging epektibo lamang umano ito kung mayroong magpipila ng formal complaint sa kanila.

Dahil dito, nanawagan ang komisyon sa publiko na kung sakaling makasaksi ng ganitong insidente ay ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan. Ang bawat COMELEC offices umano ay mayroong anti-vote buying complaint desk.

Maigi umano na kung makasaksi ang isang indibidwal ay idocument ito o magdala ng anong katibayan ukol sa akusasyon ng vote buying at nang makapag-pila ng kaso laban sa kandidato.

Samantala, kung mapatunayan ang sinumang kandidato na lumabag dito ay posibleng maging grounds sa pagkadiskwalipika ng kandidato. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments