Wala pang natatanggap na formal complaint ang Commission on Elections Dagupan City ukol sa umano’y nagaganap na siraan at ilegal na pagbabaklas ng campaign posters ng mga local candidates.
Sa virtual presser ng PIA Dagupan, sinabi ni Election Officer Atty. Frank Sarmiento na kinakailangan ng formal complaint upang umusad ang kaso kalakip ng video footage o anumang patunay ng paninira.
Matatandaan na may ilang mga supporters ng mga local candidates sa Dagupan City ang umalma dahil sa sinadya umanong paninira ng mga ipinapaskil na posters sa mga barangay.
Dagdag ng opisyal, mayroong walong notice ang inisyu sa lungsod ukol sa mga lumabag na campaign posters ngunit tinugunan na ng mga concerned candidates.
Batay sa regulasyon ng COMELEC, maaaring maharap sa isa hanggang anim na taong pagkakakulong o perpetual disqualification to hold office ang sinumang public official na mahuling lumabag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨