COMELEC Employees Union, pabor sa pagkakapili kay George Garcia bilang chairman ng poll body

93

Welcome para sa mga miyembro ng Commission on Elections (COMELEC) Employees Union ang pagkakatalaga kay George Garcia bilang chairman ng poll body.

Sa inilabas na pahayag ng COMELEC employees Union, inilarawan nila si Garcia bilang isang matalinong election lawyer and isang magaling na tagapagsalita.

Ayon pa sa COMELEC Employees Union, naniniwala silang tama ang naging deisyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagpili kay Garcia para pamunuan ang COMELEC.


Umaasa naman sila na papangalanan na rin ni Pangulong Marcos ang maaring maupo sa mga bakanteng pwesto bilang mga commissioner ng COMELEC.

Nabatid kasi na sa pagkakaupo ni Garcia bilang chairman, dalawang pwesto na ng commissioner ang nabakante kung saan dapat ay nasa pito ang bumubuo nito.

Sa kasalukuyan, ang mga nakaupong commissioner ng COMELEC ay sina Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino at Rey Bulay.



Facebook Comments