Comelec, handang maglabas ng resolusyon para himukin na dumalo ang mga senatorial candidate sa ikakasang debate

Handang maglabas ng resolusyon ang Commission on Elections (COMELEC) para dumalo ang mga senatorial candidate sa mga debate.

Partikular ang mga inorganisa ng mga media organization at iba pang grupo para matiyak ang pantay na exposure para sa 66 na kandidato.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi sila ang magsasagawa ng debate pero nais nilang masiguro na ito ay patas para sa lahat.


Paalala lamang ng COMELEC na dapat sumunod ang mga kandidato kapag nag-isyu ng guidelines dahil plano nila na patawan ng parusa kung hindi susunod sa patakaran.

Hinimok rin ni Garcia ang media outfits na siguruhin na ang mga kandidato ay kasali kung plano nilang mag-organisa ng debate para sa senatorial bets para sa 2025 midterm elections.

Matatandaan na noong 2022, nanawagan si Garcia sa Kongreso na magpasa ng batas na nag-aatas sa mga kandidato sa pagkapangulo na dumalo sa mga debate tuwing halalan at dapat magkaroon ng mga parusa sa mga kandidato kung sila ay hindi dadalo.

Facebook Comments