COMELEC, hinikayat ang publiko na samantalahin ang isinasagawang VCM demo para sa May 9 elections

67

Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na samantalahin ang mga isinaaagawang Vote Counting Machine demo o ang mock voting exercise.

Hanggang bukas na lamang, Linggo, Abril a-24 kasi ito isasagawa.

Ito’y upang matiyak na magiging pamilyar ang mga botante sa kung paano ang magiging takbo ng Halalan sa ika-9 ng Mayo.


Napansin ng mga sumubok, iba-iba ang mga gamit na pangalan ng mga kandidato sa balota .

Kinakailangan lang sakto sa hugis bilog ang shading gamit ang marker mula sa COMELEC upang maiwasang ma-void kapag ipinasok na sa VCM.

Kanina ay personal na binisita at sinaksihan ni Commissioner Aimee Ferrolino at COMELEC Spokesman James Jimenez ang isinasagawang mock voting sa SM North EDSA



Ayon kay Ferrolino, magandang pagkakataon ito lalo na sa mga first time voters upang magkaroon sila ng mas malawak na pananaw sa kung paano tatakbo ang botohan sa mismong araw ng halalan

Facebook Comments