
Isasalang sa imbestigasyon ng COMELEC o Commission on Elections ang mga napaulat na campaign violations tulad ng red tagging, paggamit ng deepfake at illegal campaigning.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, susuriin nila ang mga natataggap na report ng Kontra Daya at Vote Report Philippines saka ikukumpara ang naturang ulat sa kanilang record.
Tiniyak ni Garcia na kaisa ng mga advocacy group ang COMELEC sa paglaban sa lahat ng klase ng diskriminasyon at paninira sa panahon ng election.
Sinabi ni Garcia na mananagot ang lahat ng lumabag sa mga panuntunan o campaign rules.
Sa report ng Vote Report Philippines, ilang red tagging at illegal campaigning gamit ang deepfakes ang ginagamit sa pagpapakalat ng maling impormasyon kung saan tinukoy nito ang mga progressive senatorial at partylist candidates.