Friday, October 16, 2026

COMELEC, itinangging sa Pilipinas nangyari ang video ng gulo na kumalat sa social media sa gitna ng BARMM Elections

Pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang kumalat na video sa social media na kung saan nagkagulo umano sa kalagitnaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections kahapon.

Sa ibinahaging post ng isang “Ib’n Ahmad kung saan mayroong barilan at mga nagtakbuhang indibidwal at ipinapahiwatig na nangyari ito sa kasagsagan ng halalan.

Pero ayon sa Comelec, hindi sa Pilipinas nangyari ang nasa video batay na rin sa kumpirmasyon ng Philippine National Police–Anti-Cybercrime Group (PNP–ACG).

Iba rin kasi ang markings ng sasakyan ng pulis sa video at iba ang plaka kumpara sa ginagamit sa Pilipinas.

Lumabas din sa kanilang imbestigasyon na sa Indonesia pala nangyari ang naturang video.

Ayon sa poll body, halimbawa ito ng paggamit ng false context o pagbabahagi ng hindi edited na video pero mula naman sa ibang lugar at ginagamitan ng mapanlinlang na mga salaysay.

Facebook Comments