Comelec, kinumpirma ang kusang pagbaklas ng tarpaulin ng ilang nat’l candidates

81

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na may ilang national candidates ang kusang nagbaba ng kanilang malalaking tarpaulin.

Partikular aniyang nagbaklas ng kanilang tarpaulins ang mga supporters sa mga lalawigan nina Senatoriables Cynthia Villar at Bong Go.


Sa pagsisimula naman ng campaign period ngayong araw para sa national candidates, karamihan sa mga nasampulan ng pagbabaklas ng Comelec ang tarpaulins ng party-list groups.

Karamihan kasi dito ay hindi sumunod sa tamang sukat at hindi nakalagay sa common poster area.

Umapela naman sa publiko si Comelec Spokesman James Jimenez na tumulong sa pagre-report sa kanila laban sa mga kandidatong lumalabag sa mga panuntunan ng poll body sa pangangampanya.

Facebook Comments

From Advertisers