Comelec, magdaraos ng regular public briefings bilang paghahanda sa 2022 national elections

Magdaraos ang Commission on Elections (Comelec) ng serye ng press conference bilang paghahanda sa halalan sa susunod na taon.

Gayunman, dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, ang mga press conference ng Comelec ay gagawing “online” o live sa kanilang opisyal na Facebook page.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bukas agad sisimulan ang unang press briefing na pangungunahan ni Comelec Chairman Sheriff Abas na susundan ng Comelec en banc.


Si Steering Committee Head Commissioner Marlon Casquejo ang siya namang magbibigay ng overview para sa idaraos na national at local elections sa susunod na taon.

Ang mahahalagang updates naman hinggil sa paghahanda ng Comelec ay ilalahad ni Executive Director Bartolome Sinocruz Jr.

Facebook Comments