Comelec, maglalabas ng desisyon sa pagpapalawig ng voters’ registration sa Setyembre 29

119

Nakatakdang maglabas ng desisyon sa September 29 ang Commission on Elections en banc kung papalawigin ang voters’ registration.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, magpupulong ang management committee para pag-usapan ang isyu.


Dagdag pa nito, nalagpasan na nila ang target na 4 milyong panibagong botante kung saan aabot sa 5 milyon ang kabuuang bilang ng bagong botante.

Inaasahang matatapos na sa Setyembre 30 ang pagpaparehistro bilang botante.

Ito ay sa kabila ng apela ng Kamara na palawigin ang voters’ registration hanggang Oktubre 31, 2021.

Facebook Comments