Wednesday, May 20, 2026

Comelec, magpapakuha ng kopya ng privilege speech ni Rep. Leviste kaugnay sa mga alegasyon ng vote buying

Gagawa ng aksyon ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa mga alegasyon ni Batangas Rep. Leandro Leviste na talamak umano ang vote buying at alam ito ng maraming kongresista.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, magpapakuha sila ng kopya ng privilege speech ni Leviste kaugnay sa nilalaman nito.

Inaakusahan ni Leviste si Executive Secretary Ralph Recto at pamilya nito na tumanggap umano ng campaign funds mula kay CWS Party-list Rep. Edwin Gardiola.

Bilang sagot naman ni Recto, ilang beses umano siyang tinangkang suhulan ni Leviste para impluwensyahan ang halalan sa lalawigan.

Kabilang dito ang pag-alok umano ng P400 million para paatrasin ang kalaban sa halalan at bukod pa sa P1 billion na alok naman daw para umatras si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa kaniyang kandidatura.

Sa kabila nito, nilinaw ni Garcia na walang mga kasong inihain sa lalawigan ng Batangas na may kinalaman sa vote buying nitong nagdaang 2025 Elections.

Facebook Comments