COMELEC, magsasagawa ng special registration para sa senior citizens at PWDs bukas

83

Manila, Philippines – Magsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng special exclusive registration para sa senior citizens at persons with disabilities sa Miyerkules, Setyembre 5.

Ayon sa COMELEC, ang special registration ay isasagawa sa buong bansa sa lahat ng tanggapan ng election officer.

Base sa datos ng poll body, mayroong halos 6.7 million na senior citizen voters.

Mayroon namang higit 300,000 PWD voters noong 2016 national at local elections.

Facebook Comments