Comelec, may nakahanda nang plano sakaling hindi maaaring gawin ang internet voting sa Myanmar

Hindi pa sigurado ang Commission on Elections (Comelec) kung makakapagsagawa ng online voting sa Myanmar.

Ito’y matapos tumama ang magnitude 7.7 na lindol sa nasabing bansa kung saan may ilang mga Pilipino ang nadamay.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, inaabangan pa rin nila ang opisyal na ulat ng Konsulada at Embahada hinggil sa sitwasyon at epekto ng lindol.

Sakaling hindi makakayanang magkasa ng internet voting posibleng gawin manual ang botohan ng mga Pinoy doon.

Dagdag pa ni Garcia, kung hindi talaga pupwede ang internet voting, ipadadala nila ang mga balota at makina sa Myanmar.

Muling ipinaliwanag ni Garcia na nakasalalay pa rin sila sa kumpletong ulat ng ahensiya ng pamahalaan sa Myanmar ang mga susunod na hakbang na kanilang gagawin lalo na’t sa susunod ma buwan na ang botohan.

Facebook Comments