Comelec, may paalala sa mga Pilipino sa abroad sa pagtatapos ngayong araw ng overseas extended voter registration

35

Nagpapaalala ang Commission on Elections (Cpmelec) sa mga Pilipino sa ibang bansa na magparehistro na para sa 2022 election.

Ayon sa Comelec, dapat samantalahin na ng mga ito ang overseas extended voter registration na matatapos na ngayong araw, October 14.


Pinayuhan din ang mga nais na magparehistro na i-check muna ang oras ng operation ng bawat opisina bago magtungo.

Nabatid na hanggang Setyembre 30 lang dapat ang overseas voter registration pero pinalawig ito hanggang 14 sa lahat ng Philippine Embassies at Consulates sa buong bansa gayundin sa Manila Economic and Cultural Offices (MECOs) sa Taiwan.

Facebook Comments