
Isang linggo na lamang ang natitira para makasunod ang mga kandidato sa pagka-senador at party-list sa patakaran na Online Campaign Platform Registration.
Kabilang sa inaabisuhan ng Commission on Elections o Comelec ang tatlong senatorial candidates at 12 party-list groups na partially compliant pa lamang.
Sa abiso ng Comelec, may hanggang March 7 na lamang ang mga kandidato at party-list na kulang ang naisumiteng dokumento.
Matatandaan na base sa utos ng Comelec, kailangang irehistro ng mga kandidato at partido ang lahat ng kanilang opisyal na social media accounts, blogs, websites, podcasts, vlogs at iba pang online o internet-based campaign platforms para sa 2025 midterm elections.
Layon nito na epektibong ma-monitor ng Comelec ang mga ipino-post ng bawat kandidato o partido kaugnay sa nalalapit na halalan.