COMELEC, nagpaalala sa publiko na halos 100 araw na lamang bago ang magsara ang voters registration

Nasa halos 100 araw na lamang ang mayroon ang mga kwalipikadong botante para makahabol para sa voters’ registration.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, ang voters’ registration period ay matatapos sa September 30, 2021.

Importanteng magparehistro ng maaga para hindi magsiksikan sa huling araw ng registration.


Sa mga nais magparehistro ay maaaring magtungo sa Office of the Election Officer (OEO) o sa satellite registration sites, Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments