COMELEC, NAGPAALALA UKOL SA PAGKAKABIT NG CAMPAIGN POSTERS

Ilang araw bago ang pagsisimula ng local campaign period, nananawagan ang Commission on Elections o COMELEC ukol sa mga naglipanang campaign posters ng mga kakandidato sa mga lokal na posisyon.

Hindi pa kasi opisyal na nag-umpisa ang local campaign period, naglipana na ang mga ito. Mayroong hindi pasok sa tamang sukat at mayroong mga nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon sa COMELEC Dagupan City, tatlong araw bago ang pag-uumpisa maigi umanong baklasin na ito ng kusa ng mga kandidato alinsunod sa Fair Election Act.

Anila, kailangan din sumunod sa itinakdang sukag 2 by 3 ft lamang at siguraduhing nakakabit sa mga designated areas.

Ang sinumang lalabag sa itinakda ng batas ay papatawan ng election offense at posibleng maging grounds sa diskwalipikasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments