COMELEC, nilinaw na walang voter registration tuwing Lunes

77

Nilinaw ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na walang voter registration kada araw ng Lunes.

Ayon kay Commissioner Guanzon, ang voter registration ay mula Martes hanggang Sabado na lamang.


Ang Lunes aniya kasi ay magiging disinfection day.

Magugunitang mula Lunes hanggang Biyernes ay ginawa ng COMELEC na Martes hanggang Sabado ang araw ng pagpapatala ng mga botante.

Ang idinadaos na voter registration ay bilang paghahanda sa local and national elections sa susunod na taon.

Facebook Comments