
Nirerespeto at susundin ng Commission on Election (Comelec) ang tatlong panibagong Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema pabor sa tatlong kandidato sa lokal na posisyon.
Ito’y matapos silang alisin ng Comelec sa balota para sa 2025 Midterm election.
Ang TRO ay inilabas ng Korte Suprema matapos itong hingiin nina Marie Grace R. David na tatakbo sa pagka-vice mayor sa Limay, Bataan; Mary Dominique A. Oñate sa pagka-mayor ng Palompon, Leyte; at Aldrin B. Sta. Ana na tatakbo rin sa pagka-mayor ng Bocaue, Bulacan.
Sa inilabas na pahayag ng Comelec, tiyempo ang paglalabas sa nasabing tatlong TRO sa gagawin nilang muling pag-imprenta ng mga bagong balota.
Kaugnay nito, magsasagawa rin ng Tristed Build para sa Automated Election System ang Comelec kasama ang mga stakeholder at publiko para pag-usapan ang mga proseso at hakbang sa midterm elections.