COMELEC PANGASINAN, WALA PANG NAITALANG ELECTION OFFENSE

Inihayag ng Commission on Elections Pangasinan na wala pang naitatalang election offense sa lalawigan hanggang sa kasalukuyan.

Bagamat wala pang election offense ay nakikitaan naman umano ni Pangasinan Election Supervisor Atty. Eric Oganiza ang mga ito ng paglabag sa ibang batas tulad ng sa environmental laws.

Paliwanag nito may mga ilang piniling magkabit ng tarpaulin sa mga poste, maging ang pagpako ng mga ito sa puno.

Kamakailan, hinayag ng opisyal sa naging panayam nito sa IFM News Dagupan na magsasagawa sila ng clearing operation bago mag-umpisa ang campaign period.

Mag-uumpisa ang campaign period ng national posts sa February 11, samantalang sa March 28 naman sa mga local positions.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments