
Muling nagpaalala si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na mayroon pa ring implementasyon ng gun ban kahit tapos na ang eleksyon.
Ayon kay Chairman Garcia, napansin na nila ang unti-unting pagtaas ng nahuhuling lumalabag sa gun ban ilang araw matapos ang eleksyon.
Paliwanag pa ni Garcia na 30 araw matapos ang eleksyon noong May 12 o hanggang June 11 ang implementasyon ng gun ban.
Dahil dito, bawal pa rin ang pagbibitbit ng baril kahit na mayroong registration at permit-to-carry pero walang exemption mula sa Comelec.
Hanggang sa ngayon ay marami pa rin aniya ang mga nakalatag na checkpoint at posibleng mahuli ang mga walang gun ban exemption.
Giit pa ni Garcia na kabilang sa mga kaso na kakaharapin ng mahuhuli sa checkpoint ay illegal possesion at violation sa Comelec gun ban.