COMELEC, PUSPUSAN ANG ISINASAGAWANG PAGSASANAY SA MGA BOARD OF CANVASSERS

Tatlumput dalawang araw bago ang halalan, puspusan na ang isinasagawang pagsasanay ng mga magsisilbing Board of Canvassers sa lalawigan ng Pangasinan.

Nagtipon-tipon ang mga municipal at city canvassers upang ma-update sa bagong sistema ng botohan gayon na rin sa mga panuntunan na dapat nilang sundin.

Ayon kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, tungkulin ng BOCs ang pag consolidate sa mga resulta na ipinapasa ng Automated Counting Machine sa mga clustered precincts.

Diumano, sila ang pipirma at magpoproclaim sa mga mananalong kandidato.

Binubuo naman ang Board of Canvassers ng Election Officer bilang Chairman, City o Municipal Prosecutor o Municipal Treasurer bilang Vice Chair, samantalang ang mga kinatawan mula sa DepEd na member secretaries maging ang consolidated canvassing system operator.

Samantala, dumating na ang dalawang milyong Voter Information System na nakatakdang ipamahagi sa dalawang milyong pangasinense na naglalaman ng kanilang impormasyon at mga paalala sa halalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments