COMELEC REGION 1, HINIKAYAT ANG MGA KANDIDATO NA TUMALIMA SA MGA ELECTION RULES AND GUIDELINES

Hinimok ng Commission on Elections o COMELEC ang mga aspiring candidates pagdating sa pagtalima ng mga ito sa mga nakatakdang election rules and guidelines.

Ito ay may kaugnayan na rin lalo na at uumpisahan na ang Oplan Baklas kung saan tatanggalin na ang mga oversized campaign posters maging mga unauthorized materials. Sa naganap na Kapihan sa Ilocos ng PIA, inihayag ni Atty. Reddy Balarbar, ang Ilocos COMELEC Assistant Regional Election Officer na pupulungin ang mga coordinators ng mga kumakandidato pagdating sa naturang usapin.

Iminungkahi nito ang mga kinakailangang sundin na kautusan tulad na lamang ng paglalagay ng mga campaign posters sa wastong mga lugar lamang tulad sa plazas, barangay halls, public markets, covered courts, parke, sa gymnasium at street corners, at hindi sa mga electrical post at mga puno.

Ipinaalala rin ang tamang sukat ng mga ikakabit na mga posters, at ang paglagay ng ‘paid for by,’ kasama ang pangalan ng pomondo nito at ang address. Iginiit ng COMELEC na striktong ipatutupad ang mga kautusang nakapaloob dito at may karampatang parusa ang sinomang mapatunayang lumabag sa anumang election offense sa ilalim ng Omnibus Election Code. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments