COMELEC REGISTRATION SA MGA MALL SA DAGUPAN CITY, MULING BUBUKSAN

42

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Muling bubuksan ng Commission on Elections ang satellite registrations sa mga mall sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa COMELEC Dagupan, tatanggap sila ng mga botanteng magpaparehistro sa mga satellite registration center mula 8: 30 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Sisimulan sa Lunes, October 18 ang voter’s registration sa City Mall Mayombo na magtatagal ng hanggang October 22.


Sa October 25 hanggang huling araw ng pagpaparehistro isasagawa ang satellite registration sa SM Center Dagupan.

Maliban sa pagpaparehistro, pwede ring mag-apply ng transfer at reactivation, correction of entries at iba pa.

Inaabisuhan ang mga magpaparehistro na magdala ng birth certificate, valid ID, marriage certificate at collateral proof.



Maari namang tumawag sa 09690303675 sa mga katanungan na may kinalaman sa voter’s registration.###

Facebook Comments